Miyerkules, Oktubre 23, 2013




Kinagisnang BalonAndres
Cristobal CruzTagapagsalaysay (TG) Narsing (NC)Tandang Owenyong Aguwador (OW) Nana Pisyang (PS)Enyang (EN)Tiyo ni Narsing (TN)Intsik (IT)Mga kapatid (2)kapitbahayTagpuan: Sa purok ng Tibag. Makikita ang dalawang matanda at isang may kagulangan na nag-uusap dikalayuan sa balon kung saan nag-iigib si tandang owenyo.Tagapagsalaysay: Sa purok ng Tibag ay may isang malaki at matandang balong tisa na bahagi na ng buhay ngmga tao roon—mula sa paghuhugas ng lampin, pagluto ng pagkain, paghugas ng pinggan, paliligo, inumin,hanggang sa pagbendisyon sa mga namatay.Ayon sa matatanda ay noong panahon pa ng Kastila nahukay ang balong iyon sa Tibag. Sabi ng iba aynoong panahon pa ng Amerikano. Walang nakatitiyak kung kailan talaga ngunit pinaniniwalaan na ang balon ay solusyon sa kolera.Ayon pa rin sa mga matatanda, ay may malignong lumalabas sa balon kapag gabi at patay ang buwan.Minsan ay magandang babae, minsan naman da’y kung anu-anong hayop. Ngunit pawang imbensyonlamang ito ng matandang nakikipagligawan sa balon tuwing gabi.Maraming masasayang pangyayari sa balon na iyon. At sa Tibag, ang buhay-buhay, tulad ng matandang balon, ay siya nilang kinagisnan, kinamulatan ng kanila paring mga anak at mamanahin parin ng mga anak ng mga ito.Isa sa mga makapagpapatunay ay si Tandang Owenyong Aguwador. May maikli at kulay abong buhok nalaging nakakamisetang mahaba ang manggas at kapit sa katawan.Kapitbahay1: ‘yang si Tandang Owenyo? Noon pa man ay nag-iigib na yan. Aba’y katipuno lang nyan noon.Kapitbahay2: Ba’t naman di magkakagan’on e sa banat ang kanyang buto sa pagsalok n’on pa man.Kapitbahay3: Di ba’t ang ama nyang si Ba Meroy ay `aguwador din?Kapitbahay1: Aba, sya nga ano?Kapitbahay3: Minana na niya ang upisyong iyan. E si Nana Pisyang Hilot? Di ba sa balon din sila…Kapitbahay2: A, oo! Doon niligawan ni Tandang Owenyo si Nana Pisyang.Kapitbahay3: Labandera na noon si Nana Pisyang?Kapitbahay2: Labandera na. Ang ipinag-iigib ni Tandang Owenyo ang syang ipinaglalaba naman ni NanaPisyang. Kaya nga maganda ang kanilang istorya, e.Kapitbahay3: E si Da Felisang Hilot?Kapitbahay2: Aba, eh labandera rin yon, tinuruan naman nyang manghilot ang kanyang anak na si NanaPisyang.Kapitbahay1: Buhay nga naman…Sa Amerika ba merong ganyan?Kapitbahay3: Pilipinas naman to, e! Syempre dito sa atin pasalin-salin ang hanapbuhay.Kapitbahay1: Mana-mana ang lahat.Kapitbahay1: Si Ba Meroy ay aguwador, pwes, ang anak niyang si Tandang Owenyo aguwador din.Kapitbahay2: At si Nana Pisyang ng Da Felisa, labandera.Kapitbahay3: Pero si Nana Pisyang ay humihilot din.Kapitbahay1: Eh di naman araw-araw may nanganganak kasi.Kapitbahay3: At ngayon may pamamanahan na sila ng hanapbuhay…diba’t si Enyang ni Nana Pisyang aykatulong na sa paglalaba’t paghahatid ng damit…Kapitbahay2: At si Narsing nila?Kapitbahay1: Si Narsing ba? Sayang. Tapos ng hayskul, di na nakapagpatuloy. Me ulo pa naman. Laging medalang libro e. Minsan nakita kong may kipkip na libro,tinanong ko kung ano—Florante at Laura daw.Sayang na bata. Balita ko’y ayaw mag-aguwador.(Darating si Narsing sa balon at iigib din)Kapitbahay3: Baka nahihiya. Kita mo nga naman muntik makapagkolehiyo aguwador lang ang bagsak.Samantalang yung ibang karabaw inglis lang ang alam tente bonete na.Kapitbahay1: Para naman kayong di taga-Pilipinas. Pa’no me malakas na kapit ‘yon!Kapitbahay2: ‘Di aguwador din ang bagsak ni Narsing?!TG: Naghihimagsik si Narsing sa kanyang kalooban. Lalo na kapag naririnig nya ang pag-uusap ng mga tao nakung papasan sya ng pingga ay mapagkakamalan syang ang amain noong araw

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento