Miyerkules, Oktubre 23, 2013


Banyaga ni Liwayway Arceo
Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tilangayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon - kung Araw ngmga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mgasandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wariay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip nalihim na sulyap.At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran.Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyonsinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong."Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?"Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito,idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana."Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyangsuot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tilananunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang nalalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbangsiya."Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sadibdib ng matandang ale.Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya.Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita.Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ayhalos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrongrosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyangsalaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-inna bukas ang nguso."Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang."Ang panganay sana ng Kua mo...matalino...""Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako.Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto niInang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindimaikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib."Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka..." ayon ni Nana Ibang."Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba 'ko sa timpalak na'yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?" Malinaw sa isip ang nakaraan.Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok."Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento